-- Advertisements --

Nakuha sa unang pagkakataon ni world number 1 Carlos Alcaraz ang kampeonato ng Wimbledon ngayong taon.

Ito ay matapos na talunin ang defending champion na si Novak Djokovic sa five- set men’s final.

Nangibabaw ang Spanish tennis star sa lara na natapos ng halos limang oras sa score na 1-6 7-6 (8-6) 6-1 3-6 6-4.

Ang 20-anyos na si Alcaraz ay siyang pangatlo sa pinakabatang Wimbledon champion.

Ito na rin ang ikalawang major title na kaniyang nakamit na ang una ay ang US Open noong nakaraang taon.

Sa unang et ay nahirapan ito dahil sa naipanalo ni Djokovic subalit pagpasok ng ikalawang set ay doon na ito umarangkada.

Bumuhos naman ang pagbati kay Alcaraz at maging sa 36-anyos na si Djokovic dahil sa kaniyang edad ay nagawa pang pahirapan ang kalaban.