Lalo pang bumilis ang tropical depression Carina, habang papalayo sa Northern Luzon.

Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 155 km sa kanluran ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin 45 kph at pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang signal number one (1) sa lalawigan ng Batanes.

Habang sa ibang lugar ay lifted na ang signal warnings ng Pagasa.