Canelo Alvarez
Canelo Alvarez/ IG Post

Labis ang kasiyahan ni Canelo Alvarez sa muling pagbabalik niya sa timbang na 168 pounds.

Ayon sa WBA/WBC middleweight champion, nahirapan siyang bumaba ng timbang sa 160 pounds para sa laban niya kay Daniel Jacobs sa Sabado.

Dagdag pa nito, magaan ang kaniyang pakiramdam dahil ito ang kaniyang tamang timbang.

May record ang 32-anyos na si Jacobs ng 35 panalo, 2 talo at 29 knockouts habang mayroong 51 panalo na si Alvarez, isang talo at 35 na knockouts.