Toronto Raptors

Todo suporta si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa pagpasok ng Toronto Raptors sa NBA Finals.

Matapos kasing talunin ng Raptors, 100-94, ang Milwaukee Bucks sa kanilang Eastern Conference Finals ay agad na nag-Tweet ito.

Sa kaniyang Twitter account binati niya ang Raptors at sinabing dalhin ang kampeonato sa Canada.

Ito ang unang beses na nakapasok sa finals ng NBA ang Raptors na kanilang franchise.

Magsisimula ang paghaharap ng Raptors at Golden State Warriors sa Biyernes para sa best of seven series.