Naglunsad ang Canada ng imbestigasyon sa pagkakasawi ng 38 na mga tuta na nasawi habang nakasakay sa Ukraine International Airlines sa Toronto airport.

Ayon sa Canadian Food Inspection Agency, na isa sa French bulldog na sikat na breed sa Canada ang dumanas ng dehydration, panghihina at pagsusuka.

Natagpuan ang mga aso sa flight mula Ukraine patungong Toronto Pearson Airport noong Hunyo 13.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan ng mga tuta aso habang lulan ng eroplano.