-- Advertisements --

Tumutok ang pinakahuling cabinet meeting sa mga priority programs at projects ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga inilatag ng DOST ang mga programa para sa pagkakaroon ng technology-based enterprises, at mga trabaho para sa regional development.

Pati na ang mga programa para sa food security and resilience, health security, water security, environmental protection at enerhiya.

Sa panig naman ng DENR, kabilang sa mga natalakay ang enhancement ng natural capital accounting system, budget realignment, at mas maigting na pakikipagugnayan nito sa NGAs, LGUs, private sector, academe, at stakeholders.

Maging ang pagsusulong ng green at blue jobs sa environment and natural resources management.

Bukod sa kanilang mga priority programs, ipinalatag rin aniya sakanila ng pangulo ang mga plano ng DENR para sa water security.