-- Advertisements --

Abala ang Kamara ngayong 20th Congress kaya walang panahon para patulan ang mga pang-iinsulto at pangungutya.

Ayon kay Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon, chairman ng House Committee on Public Accounts, sa halip na patulan ang pangungutya, maraming ganap ang Kamara ngayong 20th Congress.

Kabilang dito ang pagtalakay sa 2026 proposed national budget at pagsisimula ng malalaking hearing kasama ang pagpapatuloy sa mga imbestigasyon sa ejk’s, illegal drugs at illegal pogo’s sa ilalim ng Quad Comm 2.0.

Ayon kay Ridon sa kabila ng pangungutya ng ilang Senador kay House Speaker Martin Romualdez at sa liderato ng Kamara, inatasan nito ang mga Kongresista na gawin lang ang kanilang trabaho.

Aminado rin si Ridon na setback sa Kamara ang pag-archive sa articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Pero dito, pinatuyanan anya ng Kamara na hindi palalagpasin ang mga dapat mapanagot sa pondo ng bayan.