-- Advertisements --

Nanatili ang tropa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigan sa bahagi ng Bajo de Masinloc matapos ang naging banggan ng dalawang Chinese Coast Guard vessels ngayong umaga.

Sa isang pulong balitaan, kinumpirma ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na sa kabila ng mga dangerous manuevers ng mga naturang barko ng China ay nanatili at hindi nagpatinag ang BRP Teresa Magbanua at ang BRP Suluan sa mga aksyong ito.

Ani Tarriela, hindi umatras ang tropa ng PCG at ipinagpatuloy ang pamamahgi ng mga tulong sa mga lokal na mangingisda gaya ng pagpapaabot ng fuel subsidy at maging mga yelo upang magtuloy-tuloy ang paghahahanap buhay ng mga mangingisda sa bahaging ito ng West Philippine Sea.

Binigyang diin rin ni Tarriela na maliban sa pagpapahatid ng tulong ay patuloy din na pinangangalagaan ng kanilang tropa ang kaligtasan at seguridad ng mga mamngingisda sa Bajo de Masinloc upang matiyak na maillayo ito sa maanganib ng presenitya ng People’s Liberation Army ships.

Inihayag din ng tagapagsalita na wala ngi isa mula sa kanilang tauhan ang nagtamo ng kahit anumang sugat mula sa kolisyon at hindi rin natamaan o nagtamo ng kahit anong danyos ang parehong mga barko ng Pilipinas sa kabila ng pagsubok ng China na bombahin ang BRP Teresa at BRP Suluan.

Kinomenda naman ni Tarriela ang mahusay na skills ng PCG na siyang matagumpay at ligtas na nakaiwas sa mga agresibong aksyon ng PLA Navy ships.

Samantala, patuloy naman na nakaantabay ang PCG at iba pang maritime forces ng Pilipinas sa mga teritoryo ng bansa na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) nito upang matiyak na nasusunod at naiingatan ang soberanya ng bansa at napoprotektahan ang mga mangingisdang pilipino na naghahanap buhay sa territorial waters na ito.