Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pagbagsak ng isang two-seater aircraft sa palayan ng Arayat, Pampanga.

Sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolinio, nakipag-ugnayan na sila sa flying school kung saan galing ang eroplano.

Una rito, nasawi ang 55-anyos na Briton na si Mark Hogget nang bumagsak ang light aircraft nito sa Barangay Lapaz Turu pasado alas-3:00 ng Biyernes ng hapon.

Sa paunang impormasyon, nanggaling sa flying school sa Magalang, Tarlac ang eroplano isang oras bago ang insidente.