Bumaba na lang sa halos 35,000 ang bilang ng mga naitalang outbound passengers sa mga pantalan.

Sa monitoring ng Philippine Coast Giard (PCG), nangunguna pa rin sa bilang ng mga byahero ang Central Visayas – 9,670; pangalawa sa Southern Tagalog – 6,275 at pangatlo sa Western Visayas – 4,733.

Matatandaang kagabi ay pumalo ang bilang ng mga pasahero sa 115,000.

Inaasahan ang buhos ng mga ito hanggang Martes o Miyerkules, lalo na sa mga lugar na limitado ang masasakyan.