Namataan ng Philippine Navy ang 41 barko ng China, kabilang ang warships at Coast Guard vessels, sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) mula Mayo 1 hanggang 31.
Ayon sa ulat, nasa Bajo de Masinloc ang 15 CCG at 11 warships, sa Ayungin Shoal ang 6 CCG at 1 warship, habang sa Pagasa Island naman ay 4 CCG at 4 warships.
Samantala, iniulat ng AFP na may 15,765 barko ang namonitor sa buong bansa sa parehong panahon, kung saan 12,608 ay banyaga. Mahigit 1,300 barko ang hindi tumugon sa radio challenge, karamihan sa Pagasa, Tubbataha, at Ayungin.
Patuloy ang tensyon sa rehiyon habang iginigiit ng China ang pag-angkin sa halos buong WPS — kabilang ang mga bahagi na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas. Tumanggi pa rin ang China na kilalanin ang 2016 arbitral ruling na pumabor sa Pilipinas. (report by Bombo Jai)