-- Advertisements --

Magaalok ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) para sa mga mananakay bilang pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Ang libreng sakay sa lahat ng istasyon sa LRT-2 ay magsisimula dakong alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga.

Habang sa hapon naman mula alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi.

Wala pa naman inaanunsiyo sa ngayon ang iba pang railway lines tulad ng LRT1 at MRT3 kung magaalok din ng libreng sakay sa June 12, subalit kadalasan na nakikiisa ang mga ito taun-taon sa magbibigay ng libreng sakay tueing sumasapit ang Independence day.

Matatandaan, idineklara ang Araw ng Kalayaan ng ating bansa mula sa mahigit na 333 taong pananakop ng mga Kastila noong Hunyo 12, 1898.