-- Advertisements --
Ilang mga fireworks displays ang pansamantalang hindi itinuloy sa Colorado bilang bahagi ng US Independence Day dahil sa banta ng wildfire.
Kinabibilangan ito ng mga lugar sa Colorado naColorado Springs, Douglas County, Arvada, Durango at Vail.
Pinangangambahan nila ang malakas na hangin at dry condition sa lugar.
Magugunitang noong Hunyo 27 ay mayroong tatlong bumbero ang nasawi at dalawa ang sugatan dahil sa malawakang wildfires sa border ng Colorado at Utah.
















