Reading Time: 1 minute

Nagpatupad ng limitadong operasyon ang Philippine National Railways (PNR) ngayong araw dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon kay Joseline Geronimo, operations manager ng PNR, apektado na ng baha ang ilang bahagi ng riles kaya mapanganib ito para sa pagbyahe ng mga tren.

Paliwanag nila, lumalambot ang lupa kaya hindi na muna papayagan ang paglabas ng mga unit sa flooded areas ng Metro Manila.

Tuloy naman ang mga byahe ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).