Makati City
IMAGE by Make It Makati
-- Advertisements --

Naglabas na rin ng kanilang saloobin ang grupo ng malalaking negosyante sa Pilipinas ukol sa anti-terrorism bill.

Magugunitang naipasa ang naturang panukala sa Kongreso bago nagsara ang first regular session noong isang araw.

Kabilang sa mga lumagda sa joint statement ang mga sumusunod na grupo:

• Bishops-Businessmen’s Conference for Human Development
• Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IT-BPAP)
• Investment House Association of the Philippines (IHAP)
• Judicial Reform Initiative (JRI)
• Management Association of the Philippines (MAP)
• Makati Business Club (MBC)
• Philippine Business for Education (PBEd)
• Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA)

Giit nila, maraming iba pang mahahalagang bagay ang kinakailangan ngayon kaysa sa anti-terrorism bill.

Anila, mas kailangan ngayon sa ating na tugunan ang mga bumagsak na negosyo, nawalan ng trabaho, mga kabataang nagugutom at problema sa pagpapatuloy ng edukasyon.

-- Advertisement --

“In these trying times of the COVID-19 pandemic, what we need is national unity. We need to come together, united around a set of relief and recovery measures that will help us come out of this pandemic a stronger and more resilient nation,” saad ng kanilang pahayag.