Reading Time: 2 minutes
Giannis Antetokounmpo 2
Giannis / IG post

Bagamat tatlong buwan pa bago ang opening ng bagong NBA season, kanya-kanya na ng hula at pustahan ang ilang mga basketball experts at fans.

Lumutang sa odds ng Caesars Sportsbook ang nangungunang prediksiyon na ang Milwaukee Bucks at Philadelphia 76ers ang pinakamalakas daw na paboritong agad na papasok sa Eastern Conference playoffs.

Ang Bucks ay sasandal pa rin sa bigating si Giannis Antetokounmpo.

Ang iba pang mga teams na may bentahe raw ay ang Boston Celtics, Indiana Pacers, ang defending champion na Toronto Raptors, Brooklyn Nets, Miami Heat at ang Orlando Magic.

Sa Western Conference, angat naman sa mga hula-hula na papasok daw sa playoffs sa susunod na taon ang LA Clippers kung saan nakuha nila sa blockbuster deal ang mga superstar na sina Kawhi Leonard at Paul George.

Kawhi George
George and Leonard/ IG post

Sinusundan ito ng Utah Jazz, Houston Rockets, Denver Nuggets, habang ang Los Angeles Lakers ay lumakas din ang tiyansa dahil sa pagkumbinsi ni LeBron James kay Anthony Davis at iba pang players na bumuo ng powerhouse team.

Gayundin pwede pa rin daw makahabol ang Golden State Warriors kahit nagkawatak-watak ang ilang star players.

Maaaring makasama rin daw na babandera ang Portland Trail Blazers at San Antonio Spurs.