BTS 1
-- Advertisements --

Napili bilang isa sa mga presenters ang sikat na Korean group na BTS sa 64th Grammy Awards.

Isinagawa ng grupo ang anunsiyo isang araw matapos ang paghakot nila ng mga awards sa 2021 American Music Awards kabilang ang Artist of the Year.

Ilan sa mga makakasama nila na presenter ay sina H.E.r, Maneskin, Jon Bastiste at iba pa.

Umaasa ang grupo na makakuha sila ng nominasyon kung saan kabilang sa isinumite nila ay ang kantang “Butter” at ilang mga kategorya.

Noong nakaraang taon ay nominado ang kanta nilang “Dynamite” para sa best pop group performance subalit tinalo sila ng “Rain on Me” na kantan nina Lady Gaga at Ariana Grande.

-- Advertisement --

Magaganap ang nasabing ceremony sa Enero 31, 2022.