-- Advertisements --

Ibinunyag ng abogado ng American rapper R. Kelly na nakaranas ng ‘overdose’ ang kliyente nito.

Ayon sa abogado nito na labis na mga gamot ang ibinigay sa kaniya ng mga prison staff ng North Carolina.

Nitong nakaraang mga linggo ay naghain sila ng petisyon na dapat ay gawaran ni US President Donald Trump ng pardon ang 58-anyos na rapper.

Ito ay sa kadahilanan na target siya ng mga white supremacist prison gang.

Magugunitang hinatulang makulon ng 30 taon ang rapper noong 2021 dahil sa kasong sex trafficking.