-- Advertisements --

Muli na namang nakapagtala ng record ang South Korean group na BTS.

Nanguna kasi ang album nilang “Map of Soul: 7” sa IFPI 2020 Global Album Sales Chart.

Habang ang “BE (Deluxe Edition) ay nasa pangalawang puwesto.

Sinabi ni IFPI Chief Executive Frances Moore na hindi matatawaran ang mga nakamit na karangalan ng grupo.

Ang nasabing bagong karangalan na nataggap ng grupo ay lumabas matapos ang isang linggo ng hirangin ng IFPI ang seven-member band sa kanilang 2020 Global Recording Artist of the Year.

-- Advertisement --

Magugunitang naging unang Korean group na manguna sa US Billboard Hot 100 singles sa kanta nilang “Dynamite”.