-- Advertisements --

Naglabas ng forecast ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang inflation para sa Hunyo 2026 ay inaasahang nasa pagitan ng 6.0 hanggang 7.0 porsyento.

Ayon sa BSP, makatutulong sa pagbaba ng inflation ang pagbaba ng presyo ng domestic oil at ilang pangunahing pagkain gaya ng bigas at karne.

Gayunpaman, inaasahan ding tataas ang singil sa kuryente at presyo ng gulay na maaaring magpataas muli ng inflation.

Nanatiling mapagbantay ang BSP at patuloy na susubaybayan ang mga bagong datos hinggil sa inflation at growth prospects.

Dagdag pa ng BSP, binabantayan din nila ang mga kaganapan sa Middle East na maaaring magdulot ng epekto sa presyo ng langis at sa kabuuang ekonomiya.

Batay sa datos ng Development Budget Coordination Committee (DBCC), nananatiling mataas ang inflation ngayong taon ngunit inaasahang bababa sa 4%–5% sa 2027, bago tuluyang bumalik sa target na 2%–4% band ng BSP sa 2028.