-- Advertisements --
Hindi sang-ayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa panukalang pagtanggal na sa sirkulasyon ang mga perang may malalaking halaga.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., na ang nasabing panukala ay may maraming negatibong dulot kaysa kabutihan.
Dagdag pa nito na patuloy ang kanilang pag-aaral ukol sa nasabing usapin kung asan maapektuhan ang mga simpleng mamamayan kumpara sa mga kurakot na mga opisyal ng gobyerno at mga contractors.
Magugunitang ipinanukala ng ilang mambabatas na kung maari ay tanggalin na ang matataas na halaga ng pera at gawing maliliit lamang ito para mahirapan na madala ito ng mga kurakot na mga opisyal ng gobyerno.