-- Advertisements --

Hindi na tatanggap ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga aplikasyon para sa digital banking licensing pagdating ng Disyembre 1.

Ayon sa BSP, ito ang hakbang matapos na aprubahan ng Monetary Board ang moratoirum sa mga digital bank licensing nitong Setyembre 18.

Dagdag pa ng BSP na ang applications ay kanilang susuriin sa pamamagitan ng first-come, first-served basis kung saan dapat ay makumpleto ang mga dokumento at mga requirerments.

Sa kasalukuyan ay mayroong anim na digital banks sa bansa kung saan inaasahan ng BSP na madadagdagan pa ito.