brownlee
Photo courtesy of PBA

Tumipon ng 32 points at walong rebounds si Justin Brownlee upang tulungan ang Barangay Ginebra na bahiran na ng pagkabigo ang NorthPort, 73-70, sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa MOA Arena nitong Sabado.

Si Brownlee na ang kumilos para sa Gin Kings sa huling sandali ng laro makaraan nitong ipasok ang go-ahead three-pointer sa nalalabing 1:30 minuto at isang krusyal na steal para itala nila ang 2-1 kartada.

Bagama’t nagkaroon ng maraming tsansa ang Batang Pier na itabla ang iskor, nagmintis ang huli nilang apat na tira, kasama na ang tatlong sunod na pagtatangka mula sa downtown na siya sanang nagbigay-daan para sa isang overtime.

Umasiste para sa Ginebra si Greg Slaughter na tumipa ng 16 points at apat na rebounds, maging si Scottie Thompson na umiskor ng 11 points, 15 rebounds, limang assists, at dalawang steals.

Namayani naman sa NorthPort si Mo Tautuaa na kumamada ng 15 points, 10 rebounds, at apat na assists.

Bunsod nito, nalaglag sa 3-1 ang Batang Pier sa ikalawang laro ng Petron Blaze Saturday Special.

Narito ang mga iskor:

Ginebra 73 – Brownlee 32, Slaughter 16, Thompson 11, Mercado 6, Aguilar 3, Ferrer 3, Mariano 2, Devance 0, Tenorio 0, Teodoro 0.

NorthPort 70 – Tautuaa 15, Anthony 14, Grey 9, Lanete 8, Ibeh 8, Pringle 7, Bolick 5, Elorde 4, Flores 0, Gabayni 0.

Quarters: 13-14, 38-31, 55-54, 73-70.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here