-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson.

Ang nasabing pagbibitiw ay kasunod ng panawagan ng mga members of parliament na bumaba na si Johnson sa puwesto matapos ang mahigit 40 na mga opisyal ng gobyerno ang umalis sa kanilang tungkulin.

Sa kaniyang talumpati sinabi nito na nagsalita na ang Conservative Party at ito ay kaniyang sinunod lamang.

Naniniwala ito kay Sir Graham Brady ang chairman ng backbench MP na nararapat na pumili na ng bagong lider at ito ay iaanunsiyo sa susunod na linggo.

Pumayag ito na pansamantalang maging caretaker ng UK.