-- Advertisements --

Magsasagawa ngayong araw ng pagbobotohan sa Senado kung sila ba ay tatalima sa desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Inaasahan na magkakaroon ng mainitang debate mula sa Duterte bloc na kinabibilangan nina Senator Ronald dela Rosa, Bong Go at Robin Padilla laban kina Senate Minority Leader Vicente Sotto III, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

Sinabi naman ni Senator Erwin Tulfo ang chairman ng Senate Committee on Social Justice na kaniyang papakinggan ang dalawang panig.

Base sa Duterte bloc senators na dapat tumalima ang Senado sa desisyon na ipinalabas ng SC.