-- Advertisements --

Itinutulak ni Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan ang pag institutionalize sa expanded healthcare support para sa mga public school teachers.

Sinabi ni Yamsuan na ang nasabing komprehensibong health insurance coverage para sa mga guro sa pampublikong paaralan at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) ay magagarantiyahan ng regular at sapat na pondo sa ilalim ng pambansang badyet sa sandaling maipasa bilang batas ang panukalang batas.

Naniniwala si Yamsuan na ang pag intitutionalize sa HMO-type benefits para sa mga public teachers ay magpapalakas ng kanilang morale.

Ayon pa sa Kongresista na ang kanyang iminungkahing panukala sa ilalim ng House Bill (HB) 2579 ay sumusuporta sa panibagong pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang kamakailang State-of-the-Nation Address (SONA) na tugunan ang mga matagal nang problemang bumabagabag sa sistema ng edukasyon sa bansa,pagpapabuti sa kapakanan ng mga guro sa pampublikong paaralan at pagpapalakas ng pangunahing edukasyon.

Ang panukalang batas, na unang iminungkahi ni Yamsuan sa nakaraang Kongreso,   ay naglalayong i-institutionalize ang pagbibigay ng taunang  P7,000 medical allowance para sa  mga kwalipikadong tauhan ng DepEd  bilang subsidy upang bigyang-daan ang Departamento na magbigay ng mga benepisyo ng health maintenance organization (HMO)  para sa kanila.

Ito ay bukod pa sa benepisyo na makukuha ng mga public school teachers sa Philhealth.

Sa ngayon kasi ang mga public school teachers ay walang usual paid sick leave benefits kaya malaking bagay ito para sa kanila.