-- Advertisements --

Inanunsyo ng Social Security System (SSS) ang tatlong taong yugto ng pagtaas sa pensyon para sa mga retirado, may kapansanan, at kanilang mga benepisaryo mula 2025 hanggang 2027.

Kung saan sa darating na Setyembre, 2025 (para sa mga pensyonado hanggang Agosto 31, 2025), madadagdagan ng 10 % sa pensyon ng mga retirement disability pensioners, 5% dagdag sa pensiyon ng mga death o survivor pensioners.

Dagdag nito sa Setyembre, 2026 (para sa mga pensyonado hanggang Agosto 31, 2026), karagdagang 10% dagdag sa retirement at disability pensioners, at karagdagang 5% dagdag sa death o survivor pensioners.

Sa Setyembre, 2027 (para sa mga pensyonado hanggang Agosto 31, 2027), mayroong panibagong 10% dagdag sa retirement at disability pensioners, at panibagong 5% dagdag sa death o survivor pensioners.

Layon ng serye ng umento na matulungan ang mga pensyonado na makasabay sa tumataas na halaga ng mga bilihin at gastusin sa bansa.