Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Social Security System (SSS) dahil sa pagbili ng 143,424 na tissue papers na nagkakahalaga ng P13.195 milyon noong 2024.
Ayon sa COA na ang nasabing bilang ng tissue paper rolls na binili ay sumubra ng dalawang buwan na halaga ng suplay na kailangan ng SSS.
Dahil dito ay hindi na magkasya pa ang nasabing mga tissue papers sa kanilang mga storage facilities.
Natuklasan din ng COA na ang nasabing kasunduan ay base sa verbal agreement at walang anumang suporta na dokumento o pormal na memorandum of understanding.
Hindi rin napagplanuhan ng SSS ang pagbili ng ilang daang libong tissue papers.
Ang nasabing halagang ipinambili ay makikinabang na sana ang 2,000 na mga SSS pensioners o funeral benefits para sa 650 na mga namayapang miyembro.
Bukod pa dito ay lumabas din ang nasa P3-M na mga underpayment ng SSS funeral benefits.
















