-- Advertisements --

Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na may sapat na banknotes at coins sa mga bangko sa gitna ng inaasahang surge sa currency demand sa holiday season.

Kaugnay nito, patuloy aniya ang pag-produce ng central bank ng mga bagong banknotes at mga barya para masiguro ang sapat na suplay.

Pinaalalahanan din ng BSP ang publiko na libre lamang ang pagpapalit ng mga “unfit” banknotes sa mga bangko.

Para maiwasang ma-charge para sa service fees, hinihimok ang publiko na makipag-transaksiyon lamang sa awtorisadong financial institution ng central bank.

Hinihimok din ang publiko na gamitin ang digital payments at e-money para sa cash gifts, dahil mas ligtas at convenient ang e-wallets at online banking bilang alternatibo sa pagpapadala ng pera pang-aguinaldo sa pamilya o kaibigan para sa nalalapit na Pasko.