Hindi itinanggi ni AGAP Partylist Rep. Nicanor Briones na siya ang nakuhanan ng video na nanonood ng online sabong sa kaniyang cellphone sa kasagsagan ng session sa House of Representatives.
Sinabi nito na ang video ay bahagi ng mensahe na ipinadala sa kaniya ng kaanak na nag-imbita sa kaniya na mag-sponsor ng derby.
Paglilinaw nito na hindi ito marunong sa sabong at maging ang pagtaya o mga online wallet ay hindi siya nagtataglay.
Kaya siya lumantad ay para hindi madamay ang kongreso kung saan ipinapalabas na wala itong ginagawa.
Giit nito na mayroong nais sumabotahe sa kaniyang trabaho lalo na at marami na itong nabangga na mga smuggler.
Humingi ito ng paumanhin sa House of Representatives at sa publiko dahil sa kontrobersiya at kaniya na ring pinatawad ang kumuha ng video ng walang paalam na isang paglabag sa Data Privacy Act.
Dahil dito ay maghahain ito ng panukalang batas para labanan ang anumang uri ng online sabong.