-- Advertisements --

Patuloy na inaapula ng mahigit 1,000 bumbero ang Gifford Fire na sumiklab noong Biyernes sa Los Padres National Forest sa Solvang, California. Kung saan umabot sa 72,460 ektarya ang tinupok ng apoy at 3% pa lamang dito ang na-contain ng California Fire department.

Dahil sa malawang sunog apektado na ang mga lugar sa Santa Barbara at San Luis Obispo counties, kung saan ipinatutupad na ang mga evacuation orders.

Mahigit 460 na estruktura rin ang nanganganib na masunog.

Bukod dito tatlong tao naman ang naiulat na nasaktan kabilang ang isang sibilyan na may burn injuries at dalawang kontratistang nasugatan sa isang aksidente ng utility vehicle.

Dahil sa kapal ng usok, naglabas na ng air quality alert sa Cuyama at air quality watch sa buong Santa Barbara County.

Pinayuhan ang publiko na limitahan ang pananatili sa labas, lalo na ang mga may sakit sa puso o baga, matatanda, buntis, at bata.

Kasabay nito, dalawang bagong wildfire rin ang sumiklab noong Lunes. Isa nariyan ang Rosa Fire sa Riverside County at
Gold Fire sa San Bernardino County.

Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa sanhi ng Gifford Fire.