Itinuturing na paalala ng Asia-Pacific member countries ang naitalang malakas na lindol sa Kamchatka, Russia para sa kahalagahan ng kahandaan.
Laman ito ng mensahe kasabay ng 21st APEC Emergency Preparedness Working Group meeting sa Incheon, South Korea.
Binigyang-diin ni Vice Minister Kim Gwang-yong ng Korea na ang mga sakuna ay walang hangganan, kaya’t mas mahalaga ang pagtutulungan sa pagitan ng mga APEC economies.
Ibinahagi ng Korea ang mga karanasan nito sa bagyo, pagbaha, lindol, at iba pa, pati na rin ang pagsulong nito sa teknolohiya para sa maagang babala at disaster prediction.
Tinalakay sa pulong ang mga digital strategies, community leadership, at multi-layered governance para sa mas matatag na paghahanda sa sakuna.
Ipinunto ng mga eksperto ang papel ng satellite tech, AI, at resilient infrastructure sa pagsuporta sa mga komunidad na naapektuhan ng sakuna.
Nilalayon ng Strategic Plan 2025–2027 na gawing mas matibay ang mga sistemang pangkaligtasan at patuloy na palakasin ang kooperasyong pang-rehiyon.