-- Advertisements --

Matutuloy na ang planong pagkikita ng personal nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Ayon kay White House Press Secretary Karoline Leavitt , isasagawa ang pulong ng dalawang lider sa South Korea sa susunod na Huwebes.

Magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawa na dadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Magugunitang nagkaroon ng hindi magandang relasyon ang US at China dahil sa trade war kung saan pinatawan ni Trump ng mataas na taripa ang mga produkto ng China.