Inihain ngayong araw ng 1SAMBAYAN Coalition ang panibagong ‘Motion for Reconsideration’ sa Korte Suprema hinggil sa desisyon nito kamakailan ukol sa Impeachment kontra kay Vice President Sara Duterte.
Partikular na nakapaloob rito ang Consolidated Motion to Intervene kasama ang ‘Attached Omnibus Motion for Reconsideration, Status Quo Ante Order at Motion for Oral Arguments’.
Bagama’t hindi ‘respondents’ ang naturang koalisyon, inihain ang pinag-isang mosyon bilang ‘Movants-Intervenors’ upang madinig at mapagbigyan ng Korte Suprema ang kanilang mosyon.
Layon sa kanilang ‘consolidated motion’ na maiparekunsidera at mapasuring muli sa Kataastaasang Hukuman ang desisyon nitong nagdedeklarang ‘unconstitutional’ ang ‘articles of impeachment’ ng Kamara.
Kasabay nito ang pagsasagawa ng iba’t ibang mga grupo ng kilos protesta sa harap ng Korte Suprema.
Kung saan kinalampag ng mga ito ang Kataastaasang Hukuman upang dinggin ang panawagan na maibaliktad ang naging desisyon nito hinggil sa Impeachment.
Isa rito ay si Kiko Aquino Dee, Co-Convenor ng Tindig Pilipinas na umaasang gagawin ito ng Korte Suprema.