-- Advertisements --

Suportado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mungkahing pagbawal sa street parking sa Metro Manila na inihain ng DILG at MMDA.

Iminungkahi ng DILG ang pagbabawal mula 5:00 a.m. hanggang 10:00 p.m., habang ang MMDA ay gusto lamang ito tuwing rush hours.

Nilinaw ng Metro Manila Council na hindi ito blanket ban—papayagan ang LGUs na magrekomenda kung aling mga kalsada ang sakop.

Nanindigan ang LCSP na dapat tuluyang ipagbawal ang street parking sa lahat ng oras batay sa umiiral na batas.

Binanggit din nila na ang mga naka-park na sasakyan ay hadlang sa trapiko at sa emergency response kahit sa gabi.

Bilang solusyon, iminumungkahi ng LCSP ang mas mahigpit na patakaran sa pagmamay-ari ng sasakyan at pagpapabuti ng pampublikong transportasyon.