-- Advertisements --

Binalaan ng Britanya ang China dahil sa panunupil nito sa Taiwan.

Ayon kay British Defense Secretary Ben Wallace na ang hakbang ng China ay sumisira sa mapayapang pag-aayos ng gusot nila ng Taiwan.

Lubha aniya nakakabahala ang ginawa na ito ng China dahil sa tila nag-uudyok ng mas lalong malalim na hindi pagkakaunawaan.

Magugunitang inireklamo ng Taiwan ang pagpapalipad ng China ng kanilang eroplanong pandigma sa air space nila.