Hinimok ni outgoing Education Secretary Leonor Briones ang papasok na administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking maituturo nang maayos sa mga paaralan ang kasaysayan ng bansa at ang mga aral nito.
Si Briones ay biktima ng batas militar sa ilalim ng rehimen ng napatalsik na diktador na si Ferdinand Marcos, ang kapangalan at ama ni Marcos Jr.
Bukod sa pagpapatuloy ng mga programa sa edukasyon ng administrasyong Duterte, dapat din aniyang tiyakin ng papasok na gobyerno na ang mga bata ay magkakaroon ng access sa libre at de-kalidad na edukasyon.
Si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ang papalit kay Briones bilang Department of Education secretary sa ilalim ng papasok na Marcos administration.
Matapos ilibing ang ama ni Marcos Jr. sa Libingan ng mga Bayani noong 2016 sa gitna ng labis na batikos mula sa ilang mga sektor at mga biktima ng Martial Law, sinabi ni Briones na iniutos niya ang pagrepaso kung paano itinuro ang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas sa mga paaralan.
Sinabi ni Briones na bahagi ito ng pangako ng DepEd sa karapatang pantao.
Nauna nang sinabi ng papasok na press secretary ni Marcos Jr. na si Atty. Trixie Cruz-Angeles na hindi dapat ipagbawal ang pagtatanong sa mga makasaysayang pangyayari, at asabing mahalaga ang “diskurso”.
Nauna nang sinabi ng apasok na press secretary ni Marcos Jr. na si Trixie Cruz-Angeles na hindi dapat ipagbawal ang pagtatanong sa mga makasaysayang pangyayari at sinabing mahalaga ang “diskurso”.