-- Advertisements --

Nakapagtala ng magnitude 4.0 na lindol ang Phivolcs sa bahagi ng Agusan del Sur.

Ayon sa ahensya, ganap na alas-4:25 ng umaga ito naramdaman sa bayan ng Esperanza at mga karatig na lugar.

May lalim itong 46 km at tectonic ang pinagmulan.

Wala namang inisyal na naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks mula rito.

Gayunman, pinag-iingat ng Phivolcs ang lahat sa iba pang posibleng lindol, lalo’t hindi batid kung kailan mangyayari ang malakas na pagyanig.