-- Advertisements --
Naglabas ng advisory ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ngayong araw, kaugnay ng isang malakas na lindol na yumanig sa Indonesia.
Ayon sa ahensya, ang lindol na may lakas na magnitude 6.7 at lalim na 69 kilometro ay naitala bandang 1:48 ng hapon.
Matatagpuan ang epicenter nito sa timog silangan sa rehiyon ng Papua.
Sa kabila ng lakas ng pagyanig, tiniyak ng Phivolcs na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.
Una rito, nakapagtala na rin ng malalakas na magnitude 7.4 na lindol sa Davao Oriental noong Oktubre 10, habang sa Cebu naman ay 6.9 magnitude.
Patuloy ang monitoring ng Phivolcs at pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga opisyal na abiso.