-- Advertisements --

Inihahanda na ng Indonesia ang nasa 8,000 na mga sundalo nito na ipapakalat sa Gaza.

Ang Indonesia ay unang bansa na gagawa nito bilang ikalawang bahagi ng ceasefire agreement na pinamunuan ng US.

Sinabi ni Indonesian army chief of staff General Maruli Simanjuntak, na nagsimula na ang pagsasanay ng mga sundalo.

Nakatuon ang mga sundalo sa medical at engineering para sa pagsasaayos ng Gaza.

Kabilang kasi ang Indonesia na sumali sa Board of Peaceni US President Donald Trump.

Ang mandato nito ay mula sa United Nations Security Council para maisagawa ang International Stabilization Force (ISF) na siyang magbibigay ng seguridad sa mga border areas sa Gaza at matiyak ang demilitarisation ng teritoryo kasama na ang pagtanggal ng mga armas ng sundalo.