-- Advertisements --

Nagsampa ng reklamo ang aktres at singer na si Nadine Lustre kaugnay ng paglabag sa ”Safe Spaces Act” dahil sa aniya’y patuloy at malisyosong pag-atake sa kanya sa social media.

Suportado ang hakbang na ito ni incoming ML Partylist Representative Leila de Lima, na inendorso rin ni Lustre noong nakaraang halalan.

Ayon kay De Lima, mahalaga aniya ang ginawa ng aktres sa panahong ginagamit ang social media upang patahimikin ang mga nagsusulong ng katarungan at reporma.

Binigyang-diin ni De Lima na hindi dapat ginagamit ang kalayaan sa pagpapahayag upang sirain ang katotohanan, dangal, at demokrasya. Aniya pa, ang mga mapanirang pahayag online ay hindi simpleng opinyon kundi bahagi ng sistematikong paninira at pananakot.

‘Expression becomes dangerous when it is driven by disinformation and personal malice. Much of what is being said on social media today is not considered an opinion. These are part of a deliberate effort to harass, discredit, and instill fear, post ni De Lima sa kanyang social media.

Tinawag ni De Lima ang kaso ni Lustre bilang paninindigan para sa katotohanan at pananagutan. Aniya, “stand for truth and accountability.”

Nagpasalamat din si De Lima kay Lustre sa kanyang tapang, at sinabing lumalakas ang laban para sa makatao at makatarungang lipunan sa bawat hakbang ng aktres.