-- Advertisements --

Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang courtesy resignations ng lahat ng kaniyang cabinet secretaries na isang hakbang para i-calibrate ang kaniyang administrasyon kasunod ng hindi magandang resulta ng nagdaang halalan.

Sinabi ng Pangulo na panahon na para i-realign ang gobyerno duon sa inaasahan ng mga tao.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi ito business as usual dahil nagsalita na ang mga tao at kanilang inaasahan ang resulta hindi ang pulitika.

Ayon sa Palasyo ang hiling na courtesy resignation ay layong bigyan ng pagkakaton ang Pangulo na i-evaluate ang performance ng bawat department at tukuyin kung sino pa ang patuloy na magsisilbi sa administrasyon sa ipatutupad na recalibrated priorities.

Ipinunto ng Pangulo na hindi ito patungkol sa personalidad kundi ito ay patungkol sa kaniyang performance.

Ang nasabing hakbang ay patungo sa mas pokus na performance driven approach.

Inihayag ng Presidente na ang mas kailangan ngayon ay ang mabilis na pagtupad sa mga mahahalang proyekto at programa ng administrasyon.

Siniguro naman ng Malakanyang hindi maaantala ang serbisyo ng gobyero kasunod ng panawagang courtesy resignation ng mga cabinet secretaries.

Sa nasabing hakbang ng Pangulo hudyat ito ng panibagong anyo ng kaniyang administrasyon na mas magiging sharper, faster, at fully focused sa pangangailangan ng taumbayan.