-- Advertisements --
Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang alkalde ng South Upi, Maguindanao del Sur at asawa nito dahil sa pagkakasangkot umano sa pagpatay ng kaniyang vice mayor noong Agosto ng nakaraang taon.
Isinagawa ang pag-aresto kay Mayor Reynalbert Insular sa Barangay Making sa Parang, Maguindanao del Norte.
Isinilbi ng ng mga otoridad ang warrant of arrest dahil sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder na inilabas ng Regional Trial Court Branch 27 sa Cotabato City nitong Lunes.
Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon ng magsampa ng kaso ang binuong special investigation task group laban sa 12 akusado kasama ang alkalde at asawa nito dahil sa pakikipag-sabwatan at pagpaplano ng pananambang.