CEBU CITY – Huli ang isang opisyal sa Brgy. Bato, bayan ng Badian, Cebu dahil sa pagpapatakbo ng illegal butane refilling business.

Dinakip ang 37-anyos na si Barangay Kagawad Henry Limbaga, residente ng Sitio Bitin, Barangay Bato ng nasabing bayan matapos itong magtinda ng refilled butane sa isang police decoy.

Sa pagsuri ng pulisya sa nasabing lugar, nakita na nag-o-operate ng isang medium scale butane refilling business ang konsehal.

Ito’y isang iligal at hindi ligtas sa publiko.

Nakumpiska ang malalaking tangke ng LPG sa lugar, pinalitan at walang laman na butane canisters at P100 na ginamit bilang buybust money at iba pang kagamitan.

Sa ngayon, nakadetine si Limbaga sa Badian Custodial Facility at nakahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here