DAGUPAN CITY – Kritikal ang lagay ng isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng retiradong pulis sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Nakilala ang biktima na si Jose Despogado, 61-anyos at kasalukuyang kagawad ng Barangay Pacuan sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nagpapahinga ang biktima sa kanilang bahay nang biglang dumating ang suspek at saka siya pinagbabaril.

Napag-alaman na dati nang may alitan ang biktima at suspek na nag-ugat sa pulitika.

Samantala, agad namang nahuli ng pulisya ang suspek pero hindi na narekober ang .45-caliber na baril na ginamit sa krimen.