CEBU – Patay ang isang Barangay Councilor matapos binaril at tinaga sa loob ng pamamahay nito sa Barangay Can-oling sa bayan ng Dagohoy lalawigan ng Bohol.

Kinilala ng otoridad ang biktima na si Silvestre BaƱados, 46 taong gulang at residente ng naturang lugar. Ayon sa imbestigasyon ng Dagohoy PNP, naka-upo lang ang biktima kasama ang anak nito sa loob ng bahay samantalang naglaro ng cellphone nang biglang pumasok ang dalawang suspek na nagsuot pa umano ng maskara.

Sa inisyal na imbestagasyon ng otoridad, nagdala ng baril ang isang suspek samantalang bitbit din umano ng isa pa ang itak. Sa walang pag-alinlangan, binaril ng suspek ang biktima habang tinaga rin ito ng isa pang suspek.

Nagtamo ng tama ng baril ang ulo ng konsehal samantalang nagkaroon din ito ng mga sugat mula sa pagtaga. Sa ngayon patuloy pa ang manhunt operation ng otoridad sa mga responsable ng krimen kabilang na ang motibo ng insidente.