LAOAG CITY – Arestado ang 10 katao kasama ang isang punong barangay dahil sa iligal na tupada sa Brgy. 51-A, Nangalisan, lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.

Nakilala ang mga nahuli na sina Barangay Chairman Larry Alejandro ng Barnagay Cataban, Laoag; Jerry Butay; Dante Bumanglag; Willy Ramirez; Nemesio Baoit; Morito Abatayo; Dave Pasamonte; Rommel Santos; at Reagar Agorilla.

Ayon kay PSMSgt. Joseph Califlores ng CIDG-Ilocos Norte, ilan sa mga nakumpiska nilang ebidensya sa lugar ay isang patay na manok, apat na buhay na manok, 10 piraso ng gaffs, isang plastic box at P11,840.

Sa ngayon, inihahanda na ang isasampang reklamong paglabag sa Presidential Decree 449 o Cockfighting Law at Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal As One Act.