Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Saidamen Balt Pangarungan bilang bagong ad interim chairperson ng Commission on Elections (Comelec).
Si Pangarungan ay dating head ng National Commission on Muslim Filipinos bago ang kaniyang appointment sa Comelec.
Una rito sa palace briefing, kinumpirma ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na nilagdaan ng pangulo ang appointment papers kay Pangarungan kabilang ang appointment nina election lawyer George Erwin Garcia at Aimee Torrefranca-Neri bilang ad interim Comelec commissioners.
Ang direktiba ng Pangulong Duterte ay para matiyak ang matapat, mapayapa, credible at malayang halalan sa nalalapit na Mayo 9.
Kung maalala rin si Atty Garcia ay dating naging abogado rin ni Sen Grace Poe noong 2016 disqualification case sa pagtakbo niya sa pagkapresidente.
Siya rin ay naging abogado ni dating Sen. Bongbong Marcos sa electoral protest kung saan natalo siya kay Vice-President Leni Robredo.