-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nakapasok sa bansa ang sakit na H5N6 o bird flu, na isang uri ng highly-pathogenic avian influenza.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, naitala ang kaso sa isang quail farm sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija kung saan 1,500 quails o ibong nangingitlog ng pugo ang namatay.

Dahil dito, inilikas o pina-depopulate muna ang 12,000 quails para hindi mahawaan ng bird flu.

“Surveillance around the 1-kilometer and 7-kilometer radius will be carried out immediately to ensure that the disease has not progress in the said parameter,” ani Sec. Dar.

“Animal quarantine chechkpoint have also been established to restrict the movement on all live domestic birds to and from the 1-kilometer radius quarantine area.”

Sa ngayon, negatibo sa nasabing sakit ang mga kalapit na poultry farm ng apektadong pasilidad.

Paliwanag naman ni DA veterinarian Dr. Arlene Vytiaco, na delikadong magkaroon ng contact sa dumi at pawis ng infected na ibon dahil posibleng ma-transmit ang bird flu.

Sinabi ni Sec. Dar na may posibilidad na makahawa ang nasabing sakit sa tao, pero napaka-nipis daw ng tsansa nito.

“The highly pathogenic avian influenza is a disease of poultry that can affect humans. However, the H5N6-HPAI which affected the Philippines in Pampanga, like San Luis and; Nueva Ecija (in) Jaen, San Isidro, and Cabiao has not affect humans in the country.”

Katunayan, wala raw namatay sa apat na kaso ng human transmission nito sa China.

Nangako naman ang kalihim na gagamitin nila ang quick response fund ng ahensya para labanan ang bird flu.