-- Advertisements --
Nagtala ang Pilipinas noong Abril ng pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) pumalo na sa 2.06 milyong Pinoy ang walang trabaho.
Ito ay katumbas ng 4.1 percent o mas mataas na naitala noong Marso na mayroon lamang 3.9 percent.
Naitala rin ng PSA ang 48.67 milyon Pinoy ang may trabaho noong Abril 2025o katumbas ng 95.9 percent employment rate.
Mas mababa rin ito sa naitala noong buwan ng Marso na mayroon lamang 96.1 percent.